Rhian Ramos, umaming single na ulit!

Rhian Ramos, umaming single na ulit!

July 11, 2018 @ 10:15 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ng aktres na si Rhian Ramos ang naging hiwalayan nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend sa isang panayam sa ginanap na The Eddys 2018 Awards Night sa Parañaque  City.

Tumanggi namang tukuyin ng aktres ang dahilan ng paghihiwalayan nila ni Jason Choachoy, karelasyon ni Rhian ng tatlo’t kalahating taon.

Inilarawan naman ng aktres ang naging relasyon nila ni Jason na, “Three and a half wonderful, wonderful years of my life.”

Dahil fresh pa raw ang kanilang breakup, hindi rin nagbigay ng iba pang detalye ng aktres tungkol sa nangyaring paghihiwalayan.

Tiniyak naman ni Rhian, 27-anyos na naging maayos naman ang paghihiwalayan nila ng nobyo at pinangunahan pa ang mga netizens kung bakit sila nag-break.

“You know, yeah, that’s kind of what happened. Nothing awful, nothing scandalous…It’s just growing pains of regular people.”

Gusto raw ni Rhian na mag-focus sa kanyang sarili ngayong break na sila ni Jason.

“And I think that it’s time for me to focus on me as of the moment.”

“Because, you know, if you don’t focus on yourself and you don’t really, really love yourself, it’s hard to treat other people right,” sabi pa ng aktres.

“I’m okay and I will be okay, and that’s the point—to be okay,” pagtatapos ng aktres.(Remate News Team)