RHU staff nagpositibo sa COVID; health centers sa Bulakan kinandado

RHU staff nagpositibo sa COVID; health centers sa Bulakan kinandado

January 18, 2022 @ 1:49 PM 7 months ago


Bulacan- Pansamantalang isasara bukas, Miyerkules, ang lahat ng health center sa lalawigan matapos magpositibo ang staff ng Rural Health Unit RHU at nagkaroon ng maraming close contact sa Barangay Health Workers (BHW) sa bayan ng Bulakan.

Dahil dito, humihingi ng pang-unawa at dasal si Dr Maria Elisa Villanueva, RHU head para bigyang pagkakataong maiayos ang kanilang kalusugan at ng kanilang pamilya.

Nalamang bukas, Enero 19 ay sarado lahat ng health center sa lugar upang bigyang-daan ang pag-undergo ng RT PCR sa  lahat ng staff.

Ayon kay Villanueva, layunin nilang maging malinis ang kanilang hanay bago humarap at magbigay serbisyo sa publiko.

“Hindi namin kayo mahaharap kung kami ay may sakit. Give us a health break, please. Stressed na po kaming lahat, kailangan namin ng pang-unawa at dasal ninyo. Kung wala kami paano na kayo,” ani Villanueva.

Nalamang ma-aanunsyo sa schedule ng bakuna sa Linggo at kanilang pagpa-planuhan depende sa resulta ng RT PCR ng lahat ng staff.

“Maghintay ng announcement kung kailan magresume ang health services,” dagdag pa ni Villanueva sa Facebook post ng RHU. Dick Mirasol III