Ria, ‘lalayasan’ na ang bahay; Sylvia, emosyunal!

Ria, ‘lalayasan’ na ang bahay; Sylvia, emosyunal!

May 29, 2022 @ 1:57 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa “Magandang Buhay,” naibahagi ni Sylvia Sanchez ang kanyang nararamdaman sa napipintong paglisan ni Ria Atayde sa kanilang poder.

Bubukod na kasi ito sa kanila para maging independent.

Ani Sylvia, mami-miss niya ang anak na nagsilbing ‘mother figure’ sa kanilang mag-anak.

“Honestly, si Ria ay pakpak namin na mag-asawa. Pilay talaga kami kapag nawala siya, alam mo ‘yon? Hindi lang ‘yon, siyempre sanay ako na buo silang magkakapatid, nandiyan sila, tapos nakikita ko sila, tapos biglang bigla aalis na siya, hindi ba?

“Kailangan kong mag-let go, ‘yun lang ‘yon. Noon, ayaw na ayaw ko talaga. Ngayon, kailangan kong tanggapin but deep inside mabigat pa rin. But ganoon, eh, tumatanda sila, magkakaroon sila ng sarili nilang pamilya. Okay lang na umalis kayo sa bahay basta make sure na ang Sunday niyo ay sa akin. ‘Yung doon kayo magla-lunch, kung puwede manood tayo ng sine, alam mo ‘yon?” ani Sylvia.

“Actually hindi ako takot na umalis si Ria sa bahay. Kasi kailangan ko ring maging independent na, na wala na si Ria. Kasi buong buhay ko naka-angkla ako sa kanya, dependent ako sa kanya, siya ang umaayos for me. So kailangan ko ring matuto roon,” dagdag niya.

Naniniwala siyang kakayanin ng kanyang anak na mag-solo.

Isa lang daw ang kanyang pangamba: ang maabuso ang kabaitan nito ng ibang tao.

“Mabuting tao si Ria. People pleaser siya. Sobra siyang mabait sa lahat. Kung sinasabi niyo na grabe ako mag-alaga ng kaibigan ng mga tao, eto (si Ria) times 10. Maniwala kayo. Na to the point na naabuso siya.

“Kapag mayroong nanggaganu’nsa anak ko, ako ang nasasaktan kasi hindi niya deserve. So sinasabi ko sa kanya, ‘anak, ito lang gusto ko kapag nagkaroon ka ng sariling bahay, please iparespeto mo ang bahay mo.’

“Sabi niya, ‘Mom, nirerespeto naman ako.’ ‘Alam ko, pero dapat bahay mo, bahay mo, hindi magiging tambayan. Alam mo ‘yon, kapag wala sa bahay, walang kaibigan.’ Takot ako kasi nate-take advantage siya,” paliwanag ni Sanchez. Archie Liao