Rica, inilaglag si Piolo!

Rica, inilaglag si Piolo!

February 22, 2021 @ 4:25 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kanyang YouTube channel, mismong si Rica Peralejo na ang nagbuko sa kanyang sarili na may nakaraan sila ni Piolo Pascual.

Hindi nga lang malinaw kung sino sa kanila ni KC Concepcion ang mas nauna sa buhay ng aktor.

Ayon kay Rica, malalim man ang namagitan sa kanila ni Piolo ay walang “label” ang kanilang relasyon. Pero huwag ka, pinag-uusapan na nila noon kung sakaling sila ang magiging mag-asawa sa bandang huli.

Ganoon naman daw ‘yon tulad ng relasyon nila noon ni Bernard Palanca: ang paksain ang tungkol sa kanilang future nang magkasama.

Hindi rin nilinaw ni Rica ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Piolo.

Basta aniya, “Piolo has a purpose in my life.” Ang tinutukoy ni Rica ay ang pang-eengganyo ng aktor sa kanya na mas mapalapit sa Diyos by going to a Christian church. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •