Rica, naging emosyonal sa ASAP Natin ‘To guesting!

Rica, naging emosyonal sa ASAP Natin ‘To guesting!

July 9, 2022 @ 9:26 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nag-guest si Rica Peralejo sa ASAP Natin ‘To kasama ang batchmates niya sa showbiz na sina Jolina Magdagal at Nikki Valdez. Nagkaroon sila ng production number kasama sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla.

Ipinost ni Rica sa kanyang Instagram account ang muli niyang pagtapak sa ABS-CBN bulding. At naging sentimental siya sa kanyang naging post. Binalikan niya ang mga magagandang alaala sa Kapamilya network.

Post ni Rica published as is, “Being on television last Sunday again reminded me of how lucky I was to have grown up performing alongside some of the greatest names in the industry since I was 12 years old.

“I no longer sing for a living but when I was invited I said yes kasi napakakapal naman ng mukha ko mag-no after sabihin na kasama ko ay no less than ZsaZsa P and Regine V.

“At higit sa lahat, na magkadressing room kaming muli nila @nikkivaldez_ at @mariajolina_ig na ang lakas makabalik ng many good memories.

“Hindi ko akalain na maeenjoy ko pala ito.”

Hindi akalain ni Rica na magiging emosyonal ang kanyang dapat ay guest appearance lang sa ASAP Natin ‘To

Sa isa pa niyang post, sinabi niya na ang gusali ng ABS-CBN ang nagsilbing pangalawang tahanan niya dahil doon siya lumaki. Marami na raw nagbago pero marami pa rin siyang magagandang alaala.

“Everything feels different while also everything feels familiar. Like it was only yesterday.

“Part of me is emotional, and maybe that comes with your 40s and you realize so much of what shaped your life.

“And it reminded me today of how I never wanted to be popular, and that I only wanted to be a performer. It reminded me also of hard work.

“It reminded me of how humbling it is to be in this business, of how you cannot be entitled.” Rommel Placente