Rica, pinagsisihan ang boob job!

Rica, pinagsisihan ang boob job!

October 14, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa isang panayam sa isang pamosong magazine, naibahagi ni Rica Peralejo na kung may bagay daw man siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya sa buhay, ito raw ay noong magpadagdag siya ng dibdib o sumailalim siya sa breast augmentation.

Nangyari raw ito noong kabataan niya subalit hindi raw naman niya napagtanto agad kung ano ang ibubunga nito sa kanyang katawan.

Nakapokus daw kasi ang isip niya sa kanyang namamayagpag na karera noon.

Ito rin daw iyong panahon na nagpapa-sexy pa siya sa mga pelikula.

“May mga ginawa ako nu’ng 20s ako na I continue to suffer to this day. Like, siguro one thing was getting a boob job. I wasn’t even in my 20s then, I was actually even younger—18,” pagbabalik-tanaw niya.

Late in her career na lang daw niya na-realize ang naging epekto ng nasabing procedure sa kanyang kalusugan.

Kaya nang nakaapekto ito sa kanyang overall health at well being, nagdesisyon daw siya na ipatanggal ito noong 2017.

Noong nakaraang buwan, nagpahayag ang aktres ng kanyang pagkabahala sa resulta ng kanyang laboratory tests at urinary problems pagkatapos niyang magkaroon ng miscarriage noong Hulyo.

Si Rica ay kasal kay Joseph Bonifacio, isang pastor, kung saan meron siyang dalawang anak na lalake. Archie Liao