Ricci Rivero lalaro sa Blackwater sa PBA 3×3

Ricci Rivero lalaro sa Blackwater sa PBA 3×3

February 15, 2023 @ 1:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maglalaro si  dating UP Maroon star Ricci Rivero sa Blackwater sa PBA 3×3 matapos ang naunsiyameng paglalaro nito sa Taiwan League.

Pumirma ang  guwardiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas  ng kontrata sa Red President para sa nagpapatuloy na Third Conference ng Season 2 ng standalone tournament.

Sinalubong ni Blackwater 3×3 coach Junjie Ablan si Rivero sa opisyal na contract signing.

Kinumpirma ng team manager na si Johnson Martinez ang short deal na nilagdaan ni Rivero, na maglalaro sa Leg 6 ngayong weekend sa Robinsons Place Manila at sa conference grand finals sa Peb. 25 at 26.

Ayon sa team manager na si Johnson Martinez,  ang short deal na nilagdaan ni Rivero, na maglalaro sa Leg 6 ngayong weekend sa Robinsons Place Manila at sa conference grand finals sa Peb. 25 at 26.

Pagpunta sa huling leg, ang Red President ay tumatakbo sa ika-10 at kwalipikadong lumaban sa grand finals.

“Yung opportunity na makuha siya, yun ang ayaw naming mawala,” ani  Martinez sa  team’s decision para papirmahin si Rivero sa kabila na nasa final stage na ang 3×3 tournament.

Sa Blackwater, makakasama rin ni Ricci ang kapatid na si Prince Rivero pagkatapos na magkasabay noon sa De La Salle college.

Ang stint ay magiging una para kay Rivero kasunod ng kanyang na-abort na bid sa Taoyuan Pilots sa P.League + dahil sa isang injury.JC