Rice allowance sa gov’t workers target ni PBBM

Rice allowance sa gov’t workers target ni PBBM

September 14, 2022 @ 5:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers.

“I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, kay Toni Gonzaga sa isang sit-down interview.

“Marami naman doon sa malakaking korporsayon, meron na silang rice allowance. So we’ll institutionalize it,” dagdag na pahayag nito.

Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang bigas ay “bought by and from the government” upang matiyak ang murang halaga ng kalakal.

Samantala, nang tanungin naman ukol sa kanyang campaign promise na gagawing ₱20 kada kilo ng bigas,
“Everything’s possible. You just have to work very hard at it and be clever about it and come up with new ideas,” ayon sa Punong Ehekutibo. Kris Jose