Rice buffer stock tinalakay ni PBBM sa economic team, NFA execs

Rice buffer stock tinalakay ni PBBM sa economic team, NFA execs

August 24, 2022 @ 8:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. onitong Martes sa mga miyembro ng kanyang economic team at sa National Food Authority officials.

Ayon sa President sa Twitter, nakipagpulong si Marcos sa mga opisyal upang talakayin ang mga hakbang ng administrasyon sa pagpapanatili ng sapat na rice buffer stock sa bansa.

Matatandaang nanawagan si Marcos para sa pagkakasa ng “Masagana 150” at “Masagana 200” proposals ni dating Secretary William Dar, dahil sa namumuong krisis sa pagkain.

Isinuhestiyon din niya ang farm-to-market road masterplan na ayon sa kanya ay magsisiguro sa food security sa bansa.

Sinabi pa ni Marcos na ang FMR masterplan ay magsisilbing gabay ng pamahalaan sa pagsusulong ng food security at pagpapalakas ng rural communities. RNT/SA