Rice Tariffication Law, gampanin ng NFA nirerebyu ng DA

Rice Tariffication Law, gampanin ng NFA nirerebyu ng DA

July 21, 2022 @ 5:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Masusing nire-review ng Department of Agriculture (DA) ang Rice Tarrification Law (RTL) at maging ang gampanin ng National Food Authority (NFA) upang masiguro ang food security.

Sa ilalim ng RTL, pinapayagan ang liberalized importation ng bigas, ang NFA ay may mandato lamng na tiyakin na sapat ang suplay ng buffer stocks ng bigas sa Pilipinas, “30 days worth of the country’s total consumption during the lean season, and 15 days otherwise.”

Bago ang RTL, ang gampanin ng NFA ay i-regulate ang rice sector at tanging ahensiya na pinapayagan na mag-import ng rice shipments sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na pinag-aaralan ng departamento kung papayagan ang NFA na mag-angkat ng bigas kahit pa sa ilalim ng liberalized trading regime.

“That is something being studied and is for further discussion and recommendation,” anito.

Aniya pa, sa ilalim ng RTL, “NFA cannot import.”

“We are reviewing RTL and its positive and negative impacts. The role of NFA is also being reviewed,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose