Richard at Sarah, nagliwaliw sa London, gagawa ulit ng baby?

Richard at Sarah, nagliwaliw sa London, gagawa ulit ng baby?

December 2, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


London, United Kingdom – Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Richard Gutierrez ang litrato ng pagliliwaliw nila ng misis na si Sarah Lahbati sa London.

Aniya, nagpapasalamat daw siya at nakakuha siya ng pagkakataon na makatakas sa kanyang busy schedule para makapiling ang mahal na asawa.

Naging bahagi na raw ng kanilang bonding ang biyahe nila together kung saan habang lumalaon ay mas nadidiskubre pa nila ang isa’t-isa.

Caption niya: “Finally some alone time with you in a beautiful city we’ve never been to before.

As busy parents, we’ve promised ourselves to always make alone time with each other, either through taking trips, exploring new places or just going on date nights to continuously rediscover each other. We figured out that getting lost together is as important as growing up. Keep the flame burning.”

Pinusuan naman ng kanyang followers ang post ni Richard na bumilib sa coolness ng power couple.

May isa namang netizen na nagsabing naaamoy niya ang paggawa ng showbiz couple ng baby no. 3.

Sey pa nito, after two boys daw, sana girl daw naman ang maging susunod na anak ng dalawa.

May sumang-ayon din sa kanilang ang pinaka-exciting part ng anumang trip ay iyong mawala ka sa ibang bansa. Archie Liao