Richard Gomez humihirit pa rin sa SBP

Richard Gomez humihirit pa rin sa SBP

August 1, 2018 @ 2:06 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Umaasa pa rin si Philippine delegation head Richard Gomez na magpapadala pa rin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng national team para sa Asian Games.

Ito’y sa kabila ng anunsiyo ng SBP pinull out na nila ang national team para sa naturang kompetisyon dahil sa kakulangan sa preparasyon.

Ayon kay Gomez na Chef de Mission ng Pilipinas sa Jakarta-Palembang Asian Games, pwede pa nilang mabago ang desisyon dahil wala pa namang pormal na kasulatang ipinadadala.

“Win or lose, I really feel they should still send athletes to the Asian Games, but that is the decision of the management of the SBP, and with that regard we have to give respect to that,” aniya sa isang interview sa telebisyon.

Dagdag pa ni Gomez, marami pa namang player na pwedeng mahugot at hindi na importante kung mananalo ang koponan dahil ang mahalaga ay panindigan ng Pilipinas ang commitment nito sa international sporting community.

“The Philippines is a basketball fanatic country. It will always be nice to have a representative to the Asian Games. It would be nice for Filipinos to watch our basketball players engage in the Asian Games,” ayon kay Gomez. (Remate News Team)