Richard Gomez, magbabalik showbiz na?

Richard Gomez, magbabalik showbiz na?

June 25, 2018 @ 2:03 PM 4 years ago


Inamin sa isang interview ni Mayor Richard Gomez na nami-miss na niya ang showbiz at mayroon siyang paparating na pelikula.

Si Richard Gomez ay ang kasalukuyang Mayor ng Ormoc City habang ang kaniyang asawa naman na si Lucy Torres-Gomez ay ang 4th District Representative ng Leyte.

“I had a meeting two weeks ago to do a movie. Kinuwento sa’kin ‘yung movie. Sabi ko, ‘Tingnan ko lang ‘yung script, basahin ko lang, and I will decide in the next three weeks,” sabi ni Richard.

Samantala, naiintindihan naman ni Lucy ang posibleng pagbabalik ng kaniyang asawa sa showbiz pero dapat din daw niyang isipin ang kaniyang sinumpaang tungkulin bilang opisyal.

“Sa ngayon dito muna ang kailangan niya gawin. Maybe at some point, he can also do a movie again, maybe maiksi lang siguro ‘yung role para hindi masakripisyo ang trabaho,” ani Lucy.

Sinabi naman ng mag-asawa na suportado nila ang kanilang anak na si Juliana kung ano man ang gusto nitong pasukin, kung showbiz man o pagpupulitika.

“I don’t make the plans for my child. I always ask God na lang whatever He has plans for Juliana. Kung ang guhit ng palad niya is to be with showbiz at some point, that’s fine with me,” sabi ni Lucy. (Remate News Team)