Richard Gomez silver sa int’l sporting clay championship

Richard Gomez silver sa int’l sporting clay championship

November 23, 2022 @ 5:16 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ni Leyte Rep. Richard Gomez ang silver medal sa 4th FITASC (Fédération Internationale de Tir aux Armes Sportives de Chasse) Asian Sporting Championships (senior category) na ginanap sa Photaram, Thailand, noong Nobyembre 16 at 17.

Nakuha rin ng mambabatas ang ika-4 na puwesto sa Asian Senior Sporting Championship para sa Sporting Clay.

“Salamat Panginoon sa tagumpay! Nanalo ako ng 2nd place para sa Asian Senior Champion para sa Compak Championship at

Ika-4 na pwesto para sa Asian Senior Sporting Champion para sa Sporting Clay. Mabuhay ang Pilipinas!” ani Gomez sa kanyang social media page.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking mga kaibigan, pamilya, Juliana at sa aking asawang si Lucy sa pagiging very supportive sa mga bagay na kinagigiliwan kong gawin tulad ng shotgun sports,” sabi din ni Gomez.

Ang sporting clay ay isang bagong mabilis na lumalagong isport sa Pilipinas na kinabibilangan ng pagbaril ng mga lumilipad na clay target gamit ang isang shotgun. Si Gomez, na isang kilalang sharpshooter, ay ang organizer ng Sporting Clays Association of the Philippines.

Nakuha ni Gomez ang pangalawang puwesto sa Senior Category matapos niyang talunin ang kanyang French na kalaban na si Philippe Delbos, ng isang puntos sa sudden-death round. May kabuuang 97 katunggali mula sa 22 bansa ang lumahok sa kompetisyon sa pagbaril.JC