Richard Yap, sumigaw ng hustisya, ipinaaresto ang kapwa-Cebuano!

Richard Yap, sumigaw ng hustisya, ipinaaresto ang kapwa-Cebuano!

October 13, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nanaig ang hustisya para kay Richard Yap.

Ito ang napatunayan mismo ng aktor nang lumabas na ang warrant of arrest sa isang nagngangalang Nina Mabatid na sinampahan niya ng kasong cyber libel.

Ipinost din ni Richard ang arrest warrant kay Mabatid.

Ikinatuwa ng Kapuso actor ang naging hatol ng korte sa kabila umano ng pakikipag-usap ni Mabatid sa mga piskal “using threat and influence upon them.”

Ani Richard, bawal daw ito pero nagpapasalamat siya sa mga piskal na hindi nagpatinag kay Mabatid.

Naglabas kasi si Mabatid ng court order mula sa Cebu Regional Trial Court na nakasaad si Richard bilang respondent at Joshua Jensen bilang petitioner.

Si Jensen ang sinasabing anak ni Richard na inabandona nito.

Ayon sa version ni Mabatid, una raw nakita ni Jensen ang umano’y ama sa isang fastfood commercial noong tatlong taong gulang pa siya.

Sinundan pa raw ni Jensen ang aktor sa ABS- CBN sa pagbabakasakaling makikita niya ito roon.

Hanggang sa Cebu raw ay sinundan ni Jensen si Richard sa kabila ng kawalan niya ng financial resources with the hope of seeing his alleged actor-father.

Ayon naman kay Richard, hindi raw tubong Cebu si Jensen dahil hindi naman ito marunong magsalita ng kanilang dialect.

Duda ni Richard, may ilang tao ang nasa likod ng pagpapakalat ng balitang may inabandona siyang anak.

Giit pa ng aktor, sampung taon na raw siya sa showbiz at sa loob ng panahong ‘yon ay wala namang naibalitang nag-abandona siya ng anak.

“Thank God because the wheels of justice are moving,” saad n Richard. Ronnie Carrasco III