Rider, angkas patay sa lumipad na motorsiklo

Rider, angkas patay sa lumipad na motorsiklo

December 27, 2022 @ 12:24 PM 1 month ago


GAMU, Isabela- PATAY ang isang rider at angkas nitong matapos paliparin ang sinasakyan nilang motorsiklo sumampa sa bakod ng paaralan, kahapon, Disyembre 26 sa bayang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Crisaldo Asis , 51 anyos at Marlon Agtarap, 45 anyos, kapwa residente ng Purok 3, Brgy. Aggasian, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa report ng Gamu Police Station, naganap ang insidente sa harapan ng Gamu Rural School Annex sa Maharlika Highway sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima ng motorsiklo ng bigla na lamang silang sumalpok sa bakod ng nasabing paaralan.

Sa lakas ng pagkakasalpok nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang katawan ang mga bikitma na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Hinala ng mga awtoridad posibleng mabilis ang takbo ng motorsiklo na naging sanhi ng aksidente. Mary Anne Sapico