Rider at angkas patay sa nasunog na motorsiklo

Rider at angkas patay sa nasunog na motorsiklo

May 8, 2022 @ 9:13 AM 2 months ago


CAGAYAN – Natusta nang buhay ang rider at angkas nitong matapos masunog ang kanilang motorsiklo nang salpukin ng delivery service na sasakyan Sabado ng hapon sa bayan ng Enrile.

Kinilala ang mga biktimang sina Marlon Pascual, 39-anyos, driver at angkas na si Khenny Vegas, 42-anyos, kapwa residente sa Solana, Cagayan.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek at driver ng delivery service na sasakyan na kinilalang si Eduardo Lucas, nasa hustong gulang at taga San Mateo, Isabela .

Batay sa report ng Enrile Police Station, dakong 1:50 PM naganap ang insidente sa national highway na sakop ng Brgy. Roma Norte, ng nasabing bayan.

Ayon kay PMSGT Jaime Lallaban, imbestigador ng PNP-Enrile, binabaybay ng mga biktima ang 4 na linya ng naturang kalsada ng masalpok sila ni Lucas.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bigla na lamang nag-overtake si Lucas sa sinusundang kolong-kolong at hindi napansin ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang mga biktima sa gilid ng kalsada at mabilis na lumiyab ang motorsiklo at kasamang nasunog sina Pascual at Vegas na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nahaharap ngayon sa kasong Reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property. Mary Anne Sapico