Rider at angkas patay sa van ng sundalo

Rider at angkas patay sa van ng sundalo

October 3, 2022 @ 3:39 PM 2 months ago


GAMU, Isabela- Patay ang isang rider at angkas nito matapos makabanggaan ang van na minamaneho ng sundalo nitong Linggo, Oktubre 2 sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Randy Ramos, 36 anyos at Randy Lariosa, 44 anyos, kapwa construction worker at residente ng Villa Paz, Naguilian, Isabela.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek at driver ng van na kinilalang si Sgt. Benedicto Yacat Jr. 36, anyos, nakatalaga sa 5th Infantry Division Philippine Army sa bayan ng Gamu at residente sa Tondo, Maynila.

Batay sa report ng Gamu Police Station, naganap ang insidente national highway na sakop ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabaybay ng motorsiklo at van ang nasabing kalsada sa magkabilang linya.

Pagdating sa pakurbadang bahagi bigla na lamang nagsalpukan ang mga ito hanggang sa tumilapon ang mga biktima sa sementadong kalsada.

Agad naman dinala sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya ng Gamu Police Station si Yacat Jr., na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. Mary Anne Sapico