Rider at angkas sugatan sa SUV

Rider at angkas sugatan sa SUV

May 30, 2021 @ 4:30 PM 2 years ago


ILOCOS SUR- Parehong sugatan ang  driver at angkas ng isang motorsiklo matapos ang aksidenteng banggaan ng kanilang motor at  Chevrolet Trailblazer SUV sa Brgy. Poblacion, Banayoyo ng lalawigang ito kagabi.

Ang  driver ng Honda XRM 125 motorcycle ay nakilalang si Baby Jane Makil y Aquino, 25, at ang angkas nito ay nakilalang si Nicole Fabrigas, 18, kapwa residente ng Brgy. Guadia, Banayoyo, Ilocos Sur.

Nakilala naman ang driver ng SUV na si Carlito Cumpas, Jr y Duhario, 38, may asawa, residente ng Brgy. Pugis, Trinidad, Benguet.

Kasama ni Cumpas sa loob ng sasakyan si  Judelyn  Inigo y Reyes, residente ng Brgy. Lintic, Banayoyo, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang SUV ay papuntang kanlurang direksyon.

Pagdating sa lugar, nagmaniobra ang driver papuntang hilaga pero bumangga ito sa nakasalubong na motorsiklo na papunta naman ng silangan.

Sina Makil at Fabrigas ay agad na isinugod sa Candon City General Hospital sa Brgy. Tablac, Candon City, Ilocos Sur matapos ang insidente.

Ang mga nakasakay sa SUV ay masuwerte namang hindi nasaktan sa nangyaring aksidente. Rolando S. Gamoso