Rider, backrider utas sa truck sa U-turn slot

Rider, backrider utas sa truck sa U-turn slot

September 30, 2022 @ 7:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Agad na binawian ng buhay ang isang rider at sakay nito matapos masalpok ang minamanehong motorsiklo ng nag-turn na tractor trak kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang mga namatay na sina Renz Marion Nicolas Reyes, nasa hustong gulang, residente ng No. 58 Road 8 Brgy. 164 Caloocan City, at ang hindi pa nakikillang backrider nito na nasa edad 20 hanggang 30.

Base sa Quezon City Police District (QCPD) Traffiic Sector 6, bnadang 12:30 ng madaling araw ng Setyembre 30, nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Mindanao Ave., northbound U-turn Slot malapit sa Old Sauyo Road Brgy. Talipapa Q.C.

Agad namang naaresto ang driver ng truck na si Jaime Ebio Atutubo Jr., 50 amyos, nakatira sa No. 12th St. OLV Compound Brgy. Pangpang Sorsogon City.

Sa imbestigasyon ni PCPL Kenneth M Refugia, ng Traffic Sector 6, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at binabaybay ang kahabaan ng Mindanao Ave., galing sa Tandang Sora Ave., patungong Quirino Highway.

Pagsapit sa nasabing lugar ay biglang nasalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ng Sinotruk Tractor Truck na may plakang ABO-1356 na minamaneho ng suspek.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay kapwa tumilapon ang rider at backrider na kapwa nagtamo ng grabeng mga pinsala sa ulo at katawan sanhi ng agarang pagkamatay ng mga biktima.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property na isasampa laban sa truck driver. Jan Sinocruz