Rider bumangga sa nakahintong trak, patay!

Rider bumangga sa nakahintong trak, patay!

March 29, 2022 @ 3:50 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang motorista nang bumangga sa isang trailer truck na nakahinto lamang sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jude de Guzman, 27-anyos at residente sa 269 Osmeña Street, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, nakatigil ang tractor head na may trailer number NAS 9463 sa kahabaan ng southbound lane ng Mel López Boulevard malapit sa Chesa Street, Tondo, Maynila nang bumangga sa likuran nito ang motorsiklong minamaneho naman ni Marvin Bagnol, 38-anyos na taga-San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sa lakas ng impact, dead-on-the-spot ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden