Rider lasog sa dump truck

Rider lasog sa dump truck

January 9, 2023 @ 3:31 PM 4 weeks ago


BULACAN – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos aksidenteng sumalpok sa kasalubong na dump truck sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ang kalunos-lunos na rider na si Jose Mata, 35, residente ng Brgy. Borol 2nd habang ang driver ng truck ay si Paulo Capin ng Brgy. Pacalag, San Miguel.

Sa report ng Bocaue police, nangyari ang insidente bandang 8:30 ng gabi nitong Enero 8, sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way, sakop ng Brgy. Wakas, Bocaue.

Ayon sa report, binabagtas ng rider ang naturang lugar ng higit sa normal na bilis nang mawalan ng kontrol hanggang sa lamunin ang kabilang linya at aksidenteng sumalpok sa kasalubong na truck.

Dahil dito, tumilapon ang back rider na si Justine Cruz sa kalsada habang tuluyang nasagasaan ng truck ang rider at motorsiklo nito.

Base sa rumespondeng rescue team, walang senyales na buhay pa ang rider sa tinamong mga sugat nito habang agad itinakbo ang back rider sa Rogaciano Memorial Hospital para sa paunang lunas.

Nahaharap ang truck driver sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Physical Injury and Damage to Property. Dick Mirasol III