Rider na bumangga sa poste ng skyway, patay

Rider na bumangga sa poste ng skyway, patay

October 14, 2022 @ 1:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasawi ang isang lalaki na nagmamaneho ng isang motorsiko na may side car nang bumulusok ito sa bangekta matapos na bumangga sa isang konkretong poste ng skyway sa Pandacan, Maynila Biyernes ng madaling araw, Oktubre 14.

Isinugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Wilbert Chan y Bandong, nasa wastong edad at residente ng 119 P. Ducos Street, Quiapo Manila subalit namatay habang ginagamot.

Sa ulat ni PSSg Allen Christian M Camangon ng Manila Police District (MPD), dakong alas-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may side-car habang binabagtas ang tulay ng Zamora interlink southbound sakop ng Brgy. 865 Pandacan, Manila pero pagsapit nito sa pababang bahagi ng tulay ay bumangga ito sa konkretong poste dahilan upang mahulog ito sa bangketa.

Ilang oras makalipas isugod sa ospital ang biktima ay nalagutan na ito ng hininga. Jocelyn Tabangcura-Domenden