Bangkay ng binatilyong nahulog sa MRT hole, narekober na

August 17, 2022 @5:02 PM
Views:
34
MANILA, Philippines- Narekober na ng Bureau of Fire Protection (BFP) rescue team sa isinagawang search and retrieval operation ang bangkay ng 16-anyos na lalaki na nahulog sa malaking cover box type ng itinatayong MRT 7 sa bahagi ng North Avenue sa Quezon City. (Mga larawan kuha ni Danny Querubin)
Top 2 MWP ng Region 8, nalambat sa Bulacan

August 17, 2022 @4:50 PM
Views:
36
Bulacan- Arestado ang Top 2 Regional Most Wanted Person (MWP) ng Region 8 na nagtago ng halos 20 taon sa kasong murder matapos silbihan ng warrant of arrest (WOA) ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ni Malolos chief of police PLTCOL Ferdinand Germino ang wanted na si Cordio Arcinal, 60, may-asawa, magsasaka at kasalukuyang residente ng Brgy. Matimbo.
Sa report, naaresto ang wanted sa kanyang bahay bandang als-6:30 ng gabi nitong Agosto 16 ng pinagsamang puwersa ng Malolos police, RMFB 8 Region 8 at 301st MC RMFB3 sa bisa ng WOA sa kasong murder na inisyu ni Hon. Emilinda Maquilan, presiding Judge of Judicial Region RTC Branch 13, Leyte PRO 8 noong April 18 na walang inirekomendang piyansa.
Sinasabing nangyari ang pagpatay noong taong 2000 habang naglabas ang korte sa Leyte ng WOA noong 2002 na naging dahilan para magtago ang akusado sa ibat-ibang lugar at nahuli kalaunan sa naturang lungsod. Dick Mirasol III
San Juan mayor nanguna sa pamamahagi ng financial incentives sa honor students

August 17, 2022 @4:26 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang pamamahagi ng financial incentives sa honor students sa San Juan City public schools sa San Juan Gym.
May kabuuang 524 estudyante para sa School Year 2021-2022 ang nakatanggap ng financial incentives. (Mga larawan kuha ni Danny Querubin)
School principal patay sa gunting

August 17, 2022 @4:24 PM
Views:
29
ROXAS CITY- Patay ang isang school principal habang sugatan ang 9-anyos nitong anak matapos silang pagsasaksakin ng binatilyo na kainuman ng una Martes sa lungsod na ito.
Kinilala ang nasawi na si Jun Mencedez, principal ng Minoro Elementary School habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong hindi pinangalanan at kapwa residente sa Green Earth Subdivision, Barangay Mongpong, Roxas City.
Nadakip naman ang suspek na kinilalang si John Peter Obarra, 17-anyos at residente sa Barangay Balat-an Mambusao Capiz.
Batay sa report ng Roxas City-PNP, dakong ala-1:55 ng madaling araw naganap ang krimen sa loob ng apartment ng biktima sa nasabing lugar.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang isang Alvin Aniero sa loob ng apartment sa nasabing lugar.
Makalipas ang ilang oras nagpaalam na si Aniero na umuwi sa kanilang bahay at naiwan nito sina Mencedez at Obarra na nag-iinuman.
Subalit, bigla na lamang nagkaroon ng komosyon sa loob ng apartment hanggang sa pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang gunting.
Nagising naman ang anak ng biktima at nakitang duguan ang ama kaya niyakap niya ito kaya maging siya ay nasaksak sa braso.
Matapos ang pananaksak umalis ng apartment ang suspek at umuwi na ito sa boarding house na kanyang tinitirhan habang humingi naman ng tulong ang bata sa kanilang kapitbahay.
Isinugod naman sa ospital ang mag-ama pero dineklara na rin patay ng umatending doktor si Mencedez habang nilapatan naman ng lunas ang anak nito.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang pitaka ni Mencedez.
Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad na nagresulta sa agaran pagkadakip sa suspek.
Depensa naman ng suspek self-defense lamang ang kanyang ginawa dahil pinipilit siyang gamitin ng biktima at nagsisisi na rin siya sa kanyang nagawang krimen.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Obarra. Mary Anne Sapico
NCRPO magpapakalat ng 9,500 pulis sa muling pag-ariba ng F2F classes

August 17, 2022 @3:48 PM
Views:
26