Rider patay nang sumalpok sa railings

Rider patay nang sumalpok sa railings

September 25, 2020 @ 4:47 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok ang motorsiklo na kanyang minamaneho kaninang madaling araw sa Pasig City.

Nagawa pang maisugod ang biktima na si Daniel Sta. Ana Oabel, 34, ng rescue team sa Rizal Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga manggagamot.

Sa ulat, pasado 12:15 kaninang madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound ng C-5 Road, sa Barangay Bagong Ilog.

Sakay si Oabel sa Yamaha NMAX motorcycle (MV FILE NO. 1380- 1243371) at binabaybay ang naturang lugar nang pagsapit sa lugar ay bigla siyang mawalan ng kontrol sa manibela.

Sumalpok ang motorsiklo sa railings na nasa kanang bahagi ng kalsada at tumilapon siya kaya nagkaroon ng matinding pinsala sa ulo at katawan. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •  

Loading...