Rider patay sa police mobile

Rider patay sa police mobile

September 30, 2022 @ 10:33 AM 2 months ago


SAN CARLOS CITY- PATAY ang isang rider matapos tumilapon sa kanal makaraan salpukin ng nag-overtake na police mobile, nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Roy Vallente, 35-anyos, at Escalante habang dinakip ang suspek na kinilalang si John Mil Kenn Nieves, 37 anyos, empleyado ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City at residente ng Sitio Talave, Barangay Punao, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng San Carlos City Police Station PNP, naganap ang insidente sa National Highway na sakop ng Hacienda Socorro, Barangay Punao, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Lt. Col. Jesus Mesahon Jr., hepe ng San Carlos City PNP, pabalik na sana sa police station ang patrol car ng biglang mag-overtake sa kasunod ng tricycle si Nieves at hindi nito napansin si Vallente.

Sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang biktima sa kanal at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Nieves./Mary Anne Sapico