Rider patay sa semplang

Rider patay sa semplang

August 7, 2022 @ 12:53 PM 2 months ago


TANGALAN, Aklan- Patay ang isang rider matapos sumemplang sa minamaneho nitong motorsiklo nitong Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Mark Kevin Pantalion, nasa hustong gulang at residente ng Afga Tangalan, Aklan.

Batay sa report ng Tangalan Police Station, dakong alas-10 ng gabi naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Brgy. Panayakan, ng naturang bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa lamayan ang biktima at pauwi na sana ito sa kanilang tahanan sakay ng motorsiklo ng mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, sumemplang ang biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Mary Anne Sapico