Rider patay sa truck

Rider patay sa truck

September 13, 2022 @ 1:19 PM 2 weeks ago


ILOCOS SUR- Patay ang isang rider makaraang makasalpukan ang isang truck, Lunes ng umaga sa bayan ng Tagudin.

Kinilala ang biktimang si Albert Pacleb, 40-anyos at residente sa Barangay Pilar, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver gn Isuzu truck aluminum van na kinilalang si Ernie Martinez Candido, 43, at residente sa Imus, Cavite.

Batay sa report ng Tagudin Police Station, dakong alas-5:40 ng umaga naganap ang insidente sa national highway sa bahagi ng Brgy. Jardin, Tagudin, Ilocos Sur.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang naturang kalsada.

Pagsapit sa pakurbadang bahagi, bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van at napunta sa kabilang linya na nagresulta ng salpukan ng motorsiklo ni Pacleb.

Itinakbo naman sa Ilocos Sur District Hospital-Tagudin ang biktima subalit dineklara na rin patay ng umatending doctor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Kasalukuyan naman nakakulong sa lock-up cell ng Tagudin Police Station ang suspek at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. Mary Anne Sapico