Rider pisak ang ulo sa elf truck

Rider pisak ang ulo sa elf truck

October 23, 2022 @ 10:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dead on the spot ang isang rider nang sumemplang at magulungan ng truck sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Manuel M. Pepito Junior, nasa hustong gulang, nakatira sa 21 Jasmine St., Saog Marilao, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU), binabaybay ni Pepito ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard Tondo nang madulas ang motorsiklo nito saka sumemplang.

Tiyempo namang kasunod nito ang elf truck na may plakang REA 314 at minamaneho ni Eric Madrid ng Baras, Rizal kaya nagulongan ang ulo ng biktima ng kanang gulong ng truck.

Kasalukuyang pinipigil ng MTEU si Madrid habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden