Rider pisak sa bus

Rider pisak sa bus

January 11, 2023 @ 10:47 AM 2 weeks ago


TUGUEGARAO CITY – Sumambulat ang utak ng isang lalaki matapos magulungan ng humaharurot na pampasaherong bus, iniulat kahapon, Enero 10 sa Peñablanca, Cagayan.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilala lamang sa pangalan Ben, nasa hustong gulang habang hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng bus na kinilalang si Theonel Agustin, ng Maddela Quirino,

Batay sa report ng Peñablanca Municipal Police Station,naganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ng bigla na lamang nag-overtake ang bus na minamaneho naman ni Agustin.

Sa bilis ng pangyayari nahagip nito ang biktima at tumilapon sa kalsada hanggang sa magulungan pa nito ang ulo na naging sanhi ng agaran kamatayan.

Matapos ang insidente sumuko sa pulisya ang suspek at inamin na hindi niya natantiya ang pag-overtake.

Ayon kay PMAJ Harold Ocfemia, hepe ng Peñablanca-PNP, nagkasundo na ang pamilya ng biktima at ang may-ari ng bus na sasagutin ang lahat ng gastusin at mabibigay ng pinansyal at hindi na magsasampa pa ng kaso. Mary Anne Sapico