Rider pisak sa fuel tanker

Rider pisak sa fuel tanker

October 20, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


KORONADAL CITY-BASAG ang bungo ng isang rider makaraan sumalpok ito sa kasalubong na fuel tanker, Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Jhun Carlo Gorgoya Petorio, 24 anyos, residente ng Purok Santo Niño, Apopong, General Santos City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng fuel tanker na kinilalang si Mansor Makakana Silongan, 26 anyos, may asawa, at residente ng Datu Paglas, Maguindanao.

Batay sa report ng Koronadal City-PNP, dakong 2:00 AM naganap ang insidente sa National Highway, Barangay Saravia, Koronadal City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima Honda 150 na motorsiklo patungo sa deriksyon ng Tupi ng bigla na lamang itong sumalpok sa kasalubong na Isuzu Tanker na minamaneho ni Silongan.

Sa lakas ng pagkakasalpok nawasak ang motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico