Rider, pisak sa ten wheeler truck

Rider, pisak sa ten wheeler truck

March 27, 2019 @ 3:09 PM 3 years ago


Caloocan City – Durog ang halos kalahating katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang masagasaan ng ten wheeler truck lulan ng kanyang motorsiklo sa Caloocan City.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na nadurog ang itaas na bahagi ng katawan mula bewang hanggang ulo.

Pinaghahanap din ang driver ng truck na iniwan na lamang sa kahabaan ng C3 road matapos ang aksidente.

Nabatid na pasado alas dos ngayong hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng C3 road malapit sa isang gas station.

Binabagtas ng biktima ang nasabibg kalsada ng mahagip ito at pumailalim sa nasabing truck na naging dahilan upang magulungan ito na naging sanhi ng pagkadurog nito.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay ng nasabibg insidente. Rene Manahan