Rider sumalpok sa center island, nahulog pa sa underpass tepok!

Rider sumalpok sa center island, nahulog pa sa underpass tepok!

July 2, 2022 @ 1:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dead on the spot ang isang rider matapos na bamggain nito ang center island saka nahulog aa undepass sa EDSA Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit (DTEU) Chief PLTCOL Alex Alberto ang namatay na si Gerald Bolasoc y Mangrobang, nasa hustong gulang, nakatira sa Block 30 Palay St. Farmers 2 Tumana Marikina City.

Ayon kay DTEU Traffic Sector 6 invetigator PCPL Kenneth M Refugia, pasado alas-4 ng madaling araw (July 2) nang maganap ang insidente sa intersection ng EDSA corner Quezon Avenue Brgy. Pinyahan Q.C.

Lumalabas na sakay ang biktima sa kanyang Yamaha Mio Gravis St. pauwi na sa kanilang tahanan mula Maynila nang salpukin nito ang center island na nasa EDSA.

Sa lakas ng impak tumilapon ang rider at nahulog sa underpass na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Inaalam pa ng mga kapulisan kung nakasuot ang biktima ng kanyang helmet dahil naiwan ito sa ibabaw ng EDSA kabilang na ang motorsiklo nito. Jan Sinocruz