Rider tigok sa metal barrier

Rider tigok sa metal barrier

November 28, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang lalaki matapos na bumangga sa metal barrier ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Sagat, Sta. Cruz, Ilocos Sur kagabi.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang biktima na si Joselito Galimba Batin, may asawa, residente ng Brgy. Caburao, Santiago, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay ng Yamaha NMAX 155 motorcycle at papuntang hilagang direksyon.

Habang tumatakbo ang motor, aksidente nitong nabangga ang mga nakalagay na harang o metal barriers sa hindi natapos na ginagawang tulay.

Resulta nito, tumilapon sa kalsada ang biktima at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Ang biktima ay dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur pero idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso