Rider tigok sa waiting shed

Rider tigok sa waiting shed

June 19, 2022 @ 9:41 AM 1 week ago


ILOCOS SUR- Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos sumalpok sa waiting shed ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Sta Lucia, Narvacan ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Narvacan Municipal Police Station ang biktima na Gilbert Cabebe y Ebo, binata, residente ng Brgy. Margaay ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon ang kulay itim na Rusi Venus motorcycle na umano’y mabilis ang takbo na minamaneho ng biktima ay papuntang timog na direksyon sa national highway sa nabanggit na lugar.

Pagdating sa lugar, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa sumalpok ang kanyang motorsiklo sa waiting shed.

Ang driver ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan matapos ang insidente.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso