Rider todas, angkas kritikal sa trailer

Rider todas, angkas kritikal sa trailer

December 4, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma-hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw, Disyembre 3.

Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente ng R-10 Sitio Puting Bato, North Bay Boulevard South.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Aldrin Dilao, 29, welder at residente ng Block-42, Lot-26, Purok-2, Bitungol Norzagaray Bulacan.

Sa report ni PCpl Dandy Sargento kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, binabagtas ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo ang kahabaan ng North bound ng North Bay Boulevard, Brgy. NBBS Proper, dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Pagsapit sa intersection ng C3 Road, Brgy. NBBS Proper nang mahagip ang mga biktima ng bahagi ng trailer ng tumatawud na trailer truck sa nasabing lugar.

Matapos ang insidente, hindi huminto ang driver ng trailer truck at iniwanan lamang ang mga biktima habang isinugod naman sa nasabing pagamutan si Dilao.

Patuloy naman ang isinasagawang backtracking ng pulisya sa mga CCTV para sa posibleng pagkakilanlan ng driver at plate number ng trailer truck na kulay asul ang tractor head na may chassis at karga na pulang container. Boysan Buenaventura