Rider todas sa road rage sa Bulacan

Rider todas sa road rage sa Bulacan

February 22, 2023 @ 7:04 PM 1 month ago


Bulacan – Patay ang motorcycle rider matapos barilin ng hindi nakilalang kapwa naka-motorsiklo na kanyang nakasagutan sa kalsada sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Alberto Robielos Villanueva, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Caingin habang hindi nakilala ang lalaking rider na suspek.

Sa report ng Malolos police, nangyari ang insidente bandang 8:30 ng umaga nitong Pebrero 22 sa A. Mabini St. Brgy. Guinhawa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakasagutan sa kalye ng biktima ang kapwa niya rider na suspek na walang kaabog-abog na bumaril sa kanya.

Nalamang matapos ang pamamaril agad na humarurot ang suspek sa direksyon ng Malolos crossing.

Nang dumating ang Malolos rescue ay agad dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center para sa paunang lunas subalit patay na ito.

Dahil dito, nagsagawa ng dragnet at flash alarm ang Malolos police sa kalapit na istasyon ng pulisya, kasabay ang imbestigasyon at pangangalap ng CCTV footages para mahuli ang suspek. Dick Mirasol III