Rider todas sa truck

Rider todas sa truck

May 29, 2021 @ 2:55 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Todas ang isang motorcycle rider matapos sumemplang at masagasaan ng kasunod na truck kagabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joseph Hilario, binata at residente ng Bambang Street, Tondo, Manila.

Arestado naman ang driver ng truck na si Jumar Marinas, 48 na nabigla rin sa pangyayari.

Sa ulat ng pulisya, 9:30 kagabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension malapit sa 1st Avenue.

Binabagtas ng nasawi ang nasabing kalsada lulan ng kanyang motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng sumemplang ito.

Nabigla naman ang driver ng kasunod nitong truck at ‘di nagawang iwasan ang natumbang motorsiklo at biktima na kanyang nagulungan.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting homicide ang suspek.