Rider todas sa van

Rider todas sa van

November 6, 2020 @ 5:20 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Patay ang isang rider matapos mabangga at makaladkad ng van  sa Tondo, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni PSSG  Jun Raymund Mercado ng Manila Traffic  Enforcement Unit, kinilala ang rider na si  Mark Jefferson Manalo, 24, nakatira sa 391 Coral St., Tondo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng van na si  Ricardo Matoas, 52, ng Calipahan, Talavera Nueva Ecija.

Nabatid na 12:41 ng madaling araw nang parehong binabagtas nina Manalo  at Matias ang southward  direction ng  Juan Luna St. nang mabangga ang biktima.

Sakay ng kanyang Yamaha MIO 125 ang biktima habang minamaneho naman ni Matias ang Wing van (RHG 755) nang mangyari ang insidente.

Dahil dito, agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang kanyang motorsiklo ay total wrecked o nagmistulang yuping lata.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence  resulting in homicide  si Matias.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)