Rider utas sa truck!

Rider utas sa truck!

March 18, 2023 @ 1:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang rider matapos itong mahagip ng isang truck ang kanyang minamanehong motorsiklo, Sabado ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead on arrival ang biktima sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na si Nikki Rae Artango, 28, residente ng Block 26, Lot 47, PH-2 Area 1 NBBS, Navotas City.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Isuzu Giga Truck na si Andy Rivera, 38, residente ng Viga Angadanan, Isabela.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Jhoren Cabiling, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang insidente bago sumapit sa kanto ng Torcillio St., Brgy. 22, ng lungsod habang kapwa tinatahak ng biktima at suspek ang kahabaan ng C-3 Road patungong Navotas City area.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha Mio ng bigla umano itong kumabig pakaliwa upang mag-overtake sa naunang sasakyan sa kanya nang aksidente siyang mahagip at magulungan ng hulihan kanang bahagi na gulong ng truck na minamaneho ni Rivera.

Agad na isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng tinamong pinsala habang dinakip ng mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Caloocan Police ang suspek. R.A Marquez