Ridge ng HPA makaaapekto sa S. Luzon, Visayas

Ridge ng HPA makaaapekto sa S. Luzon, Visayas

August 29, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makararanas ang National Capital Region at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog bunsod ng localized thunderstorms.

Sa 4 a.m. bulletin ng PAGASA ngayong Lunes, sinabi nito na ang tagaytay o ridge ng isang high pressure area ay umaabot sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Idinagdag pa nito na mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos timog hanggang timog-silangan ang iiral sa Luzon habang mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos sa timog-silangan ang iiral sa Visayas at Mindanao. RNT