Riding-in-tandem criminals tinapatan ng Bulacan motorcycle cops

Riding-in-tandem criminals tinapatan ng Bulacan motorcycle cops

October 18, 2022 @ 2:41 PM 1 month ago


Camp General Alejo Santos, City of Malolos, Bulacan – Sinuportahan at dinaluhan mismo ni Governor Daniel Fernando ang muling pagpapagana nang pinalakas na Tactical Motorcycle Unit (TMRU) upang labanan at hadlangan ang kriminilidad partikular sa motorcycle -riding in tandem criminals.

Mismong si Fernando ang naging guest at speaker nang ilunsad ang TMRU na ginanap bandang alas-10 ng umaga nitong Oktubre 17 sa naturang kampo.

Ayon kay OIC, Bulacan police, PCOL. Relly Arnedo, ang naturang hakbang ay upang mabilis na mapigilan ang mga tangkang panghoholdap, pamamaslang at pagtugis na rin sa motorcyle-riding offenders o rding in tandem.

Nalamang ang lahat ng City at Municipal police station kabilang ang 1st at 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Companies ay magtatalaga ng motorcycle cops na magpapatrulya at magbabantay sa kanilang mga nasasakupan.

Sinasabing ang patuloy na hakbang ng pulisya ay pagsuporta na rin sa kampanya ng Provincial Government’s program na labanan ang kriminalidad para na rin sa kasiguruhan ng Bulakenyo. Dick Mirasol III