Right-of-way acquisition tinalakay sa pulong ng DPWH execs

Right-of-way acquisition tinalakay sa pulong ng DPWH execs

November 21, 2022 @ 9:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpulong ang mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para resolbahin ang mga isyu sa right-of-way (ROW) acquisition.

Ayon sa DPWH, nananatiling isa sa pangunahing dahilan ng pagkaantala ng pagpapatupad ng mga proyekto ng gobyerno ang nasabing usapin.

Sa nasabing pulong nitong weekend, muling tinignnan ng mga opisyal ng DPWH ang mga kasalukuyang programa, patakaran at isyu sa road right-of-way acquisition at iba pang legal concerns.

Sinabi ni highways Undersecretary for Legal Service Anne Sharlyne G. Lapuz na ang pangunahing agenda ng pagpupulong at upang masiguro na ang kasalukuyang isyu sa pagpapadali sa mga pagkuha ng ROW at pagsasaayos ng pagpapatupad ng kanilang mga nakahanay na proyekto pati na rin ang pag-automate ng mga dokumento na nauukol sa mga right of way acquisition.

Sinabi ni Lapuz na ang problema ng ROW acquisition ay nanatilin pa rin bilang ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkaantala sa pagpapatupad ng proyekto, kaya’t kailangan pang pahusayin ang mga proseso ng ROW ng ahensya.

Tinalakay din ang iba pang isyu gaya nang relokasyon ng mga posted na pag-aari ng electric cooperatives; pagpopondo at paghahabol na kinasasangkutan ng Certificates of Ancestral Domain Titles (CADT) at Certificates of Ancestral Land Titles (CALT); pati na rin ang iba pang mga isyu na nauugnay sa ROW sa mga rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden