Rightsizing, budget modernization, tax reform pasok sa priority measures ni Marcos

Rightsizing, budget modernization, tax reform pasok sa priority measures ni Marcos

July 25, 2022 @ 8:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.sa Kamara na gawing prayoridad ang pagpasa sa National Government Rightsizing Program (NGRP) at tax reform measures.

Ito ang naging apela ni Marcos sa una niyang State of the Nation Address, at sinabing makatutulong ang rightsizing upang pagbutihin ang institutional capacity ng pamahalaan upang magawa nito ang mandato at makapaghatid ng mas magandang serbisyo habang sinisiguro ang optimal at epektibong paggamit ng resources.

“Compared to previous government reorganization efforts, the NGRP will entail a comprehensive strategic review of the functions, operations, organization, systems and processes of the different agencies, and massive and transformational initiatives in agencies concerned, such as merger, consolidation, splitting, transfer, and abolition of some offices,” sabi ni Marcos.

“The rightsizing efforts will also involve the conduct of a comprehensive strategic review of functions, programs and projects that will cut across various agencies,” dagdag niya Marcos.

Ukol naman sa tax reforms, itinutulak ni Marcos ang Valuation Reform Billna magtatalaga sa real property values at valuation standards sa buong bansa at ang Real Property Information System na magsisilbing database ng lahat ng real property transactions at declarations sa Pilipinas.

Gayundin, isinusulong ni Marcos na maipasa ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act na magpapadali sa revenue neutral tax system ng financial sector.

“These are the legislation that we would like for you to pass in support of these programs,” ani Marcos. RNT/SA