‘Rightsizing’ proposals bubusisiin ng CSC

‘Rightsizing’ proposals bubusisiin ng CSC

July 15, 2022 @ 6:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Civil Service Commission (CSC) nitong Biyernes na pag-aaralan nitong mabuti ang mga panukala sa “rightsizing” ng burukrasya na posibleng makaapekto sa 2 milyong government employees.

Inihayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles na naiintindihan at tinatanggap umano ng ahensya ang mga hamon ng COVID-19 pandemic maging ang mga epekto ng kasalukuyang administrasyon sa “health, the economy, and other factors that affect the life and livelihood” ng mga Pilipinong manggagawa.

“Therefore, the Commission supports any move that would ensure greater efficiency in public sector administration, and build an agile and future-ready civil service,” ani Nograles.

“The Commission assures everyone that it will thoroughly study any proposed legislation on rightsizing the bureaucracy, and provide its inputs, with the welfare of civil servants and the effective delivery of service to the public as its primordial considerations,” dagdag niya.

Inilahad ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules na binabalak nitong isulong sa Kamara na bigyan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng awtoridad para i-“rightsize” ang burukrasya upang makatipid.

Ani DBM Secretary Amenah Pangandaman, susuriin nila ang 187 ahensya, departamento, opisina, at bureaus, maging ang mga korporasyong pagmamay-ari ng pamahalaan– na may tinatayang halos dalawang milyong tauhan– para sa “redundant or overlapping functions”.

Nilinaw naman ni Pangandaman na ang mga mawawalan ng trabaho ay maaaring mag-apply ulit, dahil magbubukas din ng mga panibagong government positions bilang bahagi ng proseso.

Suportado ito ng tatlong mambabatas– Senators Loren Legarda, Sonny Angara, at Francis Escudero– at sinabing matagal na dapat itong ikinasa.

Subalit ayon kay Senator Aquilino Pimentel III, ang Kamara ang nararapat na bumuwag sa government entities at hindi ang executive branch.

Para naman kay dating Davao City Mayor at kasalukuyang Vice President Sara Duterte na ang rightsizing ay isang good move” subalit duda umano siyang matatapos ito agad dahil sa hirap ng implementasyon nito.

“Nahirapan nga kami sa LGU namin, all the more in the national government,” giit ni Duterte. RNT/SA