Rigodon sa Kamara, isinagawa na; Farinas, Bondoc Out, Andaya, Marcoleta in

Rigodon sa Kamara, isinagawa na; Farinas, Bondoc Out, Andaya, Marcoleta in

July 30, 2018 @ 7:00 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Isinagawa na ng Kongreso ang rigodon kasunod pag-upo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong speaker.

Itinalaga si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. bilang Majority leader at chairman ng Rules Committee kapalit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas.

Hindi naman nag-object si Farinas nang i-nominate at pagbotohan si Andaya.

Agad din na nanumpa si Andaya kay House Speaker GMA.

Si SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang itinalagang Senior Deputy Majority Leader kapalit ni Pampanga Rep. Rimpy Bondoc.

Itinalaga naman si Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez bilang chairman ng Accounts Committee kapalit ni Batangas Rep. Eileen Ermita-Buhain.

Pinalagan naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang pananatili ni Quezon Rep. Danilo Suarez bilang Minority Leader dahil malinaw aniya ang rules ng Kamara na kapag bomoto ka sa nanalong speaker ay otomatikong kasapi sa majority.

Itinalaga rin si Roberto Maling bilang Acting House Secretary General kapalit ni Atty. Cesar Strait Pareja samantalang si dating PSG Chief Retired General Romeo Prestoza ang itinalagang House Sgt. at Arms kapalit ni Ret. Lt. General Roland Detabali. (Meliza Maluntag)