Ring heavyweight crown binakante ni Fury

Ring heavyweight crown binakante ni Fury

August 15, 2022 @ 7:03 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binakante ni Tyson Fury ang kanyang Ring heavyweight title matapos niyang ipahayag ang kanyang pagreretiro sa boksing noong Biyernes.

Sinubukan pang bumalik ni Fury, 34, noong Martes at sinabing babalik siya mula sa pagreretiro upang labanan si Derek Chisora.

Gayunpaman, pagkaraan ng tatlong araw, inihayag ni Fury sa isang post sa social media na nagpasya siyang “lumayo” mula sa boksing.

“The Ring Magazine championship has always been the holy grail of boxing. They’ve been fantastic with me and I’ve always carried that title with pride,” sabi ni Fury.

“Ang pinakadakilang sandali ng aking karera ay ang pagkapanalo ng world championship [pagtalo kay Wladimir Klitschko] noong 2015.”

“There’s the great comeback after that with the three [Deontay] Wilder fights. There’s been a lot of great highlights in my career — even the Dillian Whyte fight in front of 94,000 at Wembley. It doesn’t get much bigger than that. At lumabas ako ng malakas.”

Napanatili ni Fury ang kanyang titulo sa WBC sa isang stoppage na panalo laban kay Dillian Whyte sa Wembley Stadium noong Abril.JC