Riot Games, Spotify magsasanib-pwersa

Riot Games, Spotify magsasanib-pwersa

August 27, 2020 @ 1:57 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

US – Inanusyo ng Riot Games ang pakikipagtulungan nito sa Spotify upang ilunsad ang eksklusibong audio streaming ng larong League of Legends Esports sa mga darating nitiong global events.

Ilulunsad ng Spotify ang pagsasagawa ng mga kanta para sa LoL Esports Music Hub kasama ang podcasts at playlists nito upang magbigay ng “an even richer League of Legends fan experience.”

Kasama ring ilalabas ng Spotify ang behind-the-scenes ng Worlds Anthem, at ang podcast para sa “Untold Stories: Top Moments from Worlds” na magkakaroon ng 10-episode sa isang series.

Ito ang kauna-unahang pakikipagtulungan sa Spotify sa industriya ng esports. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...