Riot sumiklab sa Brussel nang talunin ng Morocco ang Belgium sa WC

Riot sumiklab sa Brussel nang talunin ng Morocco ang Belgium sa WC

November 28, 2022 @ 10:22 AM 2 months ago


BRUSSELS, Belgium – Napwersang gumamit ng water cannon at teargas ang mga pulis matapos silang salakayin ng mga nagwawalang football fans sa Brussels kasunod ng panalo ng Morocco sa iskor na 2-0 sa World Cup (WC) kontra sa Belgium sa Qatar noong Linggo..

Dose-dosenang mga tagahanga ang nagbasag ng mga bintana ng tindahan, naghagis ng mga paputok at sinunog ang mga sasakyan.

Bago pa man matapos ang laban, “dosenang mga tao, kabilang ang ilang nakasuot ng hoodies, ang naghahamon sa mga pulis na naglagay sa kompromiso sa  public safety,” ayon sa pulisya ng Brussels.

Ayon sa tagapagsalita ng Brussel police, ilang sa mga tagahanga ay armado ng mga patpat at isang mamamahayag ang “nasugatan sa mukha ng mga paputok”.

Humigit-kumulang isang daang pulis ang pinakilos habang ang mga residente ay binalaan na umiwas sa ilang lugar sa sentro ng lungsod. Isinara ang mga istasyon ng metro train at hinarangan ang mga lansangan upang limitahan ang pagkalat ng karahasan.

“Kinukondena ko sa pinakamalakas na termino ang mga insidente ngayong hapon. Mahigpit na nakikialam ang pulisya. Kaya’t ipinapayo ko laban sa mga tagahanga na pumupunta sa sentro ng lungsod na tumigil sa panggugulo. Ginagawa ng pulisya ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang kaayusan ng publiko,” tweet ng alkalde ng Brussels, Philippe Close.

“Inutusan ko ang pulisya na isagawa ang pag-aresto sa mga nanggugulo,” ayon pa kay Close.JC