NAKABUBUWISIT at paminsan-minsa’y natutunghayan pa ring nagngangangakngak iyang sina ex-Chief Justice Maria Lourdes Sereno at outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Kung minamalas-malas ka ay bubulaga na lang sa inyong telebisyon ang isang panayam o pagbabalita kung saan nagtatatalak ‘yang si Sereno ukol sa pagkakasipa sa kanya ng mga kapwa mahistrado sa Supreme Court.
Ganoon din ‘yang amoy-lupang si Morales na mahilig magpatutsada kahit wala namang katuturan ang sinasabi.
Ngunit sa isang banda, nakatutuwa na ring isipin na wala na sa poder ang mga buwisit na ‘yan.
Nagkasabay pa ngayong taon ang pagtatapos ng kaligayahan ng dalawang tuta ni Noynoy Aquino na kapwa niya itinalaga; si Morales noong 2011 at si Sereno noong 2012.
Matatandaang naluklok ang dalawang ‘yan sa parehong pamamaraan. Napilitang magbitiw si ex-Ombudsman Merceditas Gutierrez bago ang kanyang impeachment trial sa Senado.
Sabihin pa, ganoong bulok na style ni ngoyngoy ang ginawa kay ex-CJ Renato Corona para ipuwesto si Sereno.
Kung bakit nagtagal sa puwesto ang mga inutil na ‘yan. Sisihin ang inutil na naglagay sa kanila sa kapangyarihan.
Biruin n’yong napakahalaga ng mga sangay ng gobyerno na kanilang pinamunuan ngunit nagsilbi lamang silang mga tuta ng bopol sa Palasyo.
Sabi ng ilan, “poetic justice” ang tawag d’yan sa kinahinatnan ng dalawa sa panahon ni Pangulong Duterte.
Pareho silang pinagtampuhan ng panahon. Ika nga, “weather-weather lang, finished or not finished,” layas!
Rest in peace, Sereno at Morales.
***
Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-12NOON sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanonood din ang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank).
– DEADSHOT NI TULFO